Friday, July 31, 2009

Rosario Papuntang Pasig

Naranasan mo na bang maipit sa trapik ng 2 oras? Sa pinaka-mainit na oras sa buong araw? Dahil sa lecheng hinuhukay na daan na linggo-linggo na lang hinuhukay at tatambakan at huhukayin ulit. At ang magaling na blueboy e andun sa sulok at busy sa pag-tetext at hinayaan nang hindi gumalaw ang agos ng mga sasakyan. At natiyempo na pagod ka galing sa mahapong pagtatrabaho. Hindi lang un, nangangamoy na ung isdang binili ng pasaherong katabi mo sa palengke. At iyak pa ng iyak ung batang karga ng babaeng nasa harapan mo na tila walang pakielam sa mundo. Hay. Ang sarap pumatay ng tao.